Advisory Para Sa Pensioner na nasa Abroad:

Ito ay para sa kaalaman ng mga PNP and INP Pensioners na sa kasalukuyang naninirahan, nagtatrabaho o na-lockdown sa ibang bansa.

Alinsunod sa PNP MC 2020-049 o guidelines ng Pensioner Ko, Sagot Ko project, ang Directorate for Intelligence o DI ay itatalaga ang ating Police Attache sa USA, France, China, Saudi Arabia, Pakistan, Malaysia, Indonesia at Thailand upang tumulong sa updating ng Pensioners sa mga nasabing bansa.

Ang Directorate of Personnel and Records Management o DPRM naman ang syang magtatalaga ng Active Personnel Buddy sa bawat Pensioner na nakatira, nagtatrabaho o maging sa mga na-lockdown sa ibang bansa.

Ang Active Personnel Buddy ay siyang naatasan na makipag-ugnayan at gumabay sa virtual updating ng records ng Pensioner. Sa Initial Virtual Contact at Wellness Check, magsusumite ang Pensioner ng Unified Update Form at Affidavit of Undertaking na pwedeng i-download sa PRBS website; kopya ng passport, PSA records at iba pang kinakailangan na dokumento. At ang pakikipag-ugnayan ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng mga social media platforms tulad ng Skype, Zoom Video Conferencing, FB Messenger, Viber at iba pa na syang kukunan ng litrato bilang patunay.

Ipadala sa Viber accounts o email address ng PRBS ang inyong ibang contact information – email address, FB Messenger account at iba pa – para ito ay maibigay sa inyong Active Personnel Buddy. Ibibigay naman sa inyo ang contact information ng inyong Active Personnel Buddy.

Matapos ang paunang virtual updating sa inyo ay kada-tatlong buwan ng makikipag-ugnayan sa inyo Active Personnel Buddy ninyo. At hindi na kinakailangan mag-update sa inyong birth month.

Para sa karagdagang impormasyon at ibang katanungan, maaaring magpadala ng inyong mensahe o tumawag saViber account ng mga sumusunod na numero at account sa social media:

Globe – 0977-7145263
Smart – 0961-8990928
Sun – 0931-0644361
TM – 09534135924

E-mail – pnp.prbs@gmail.com
Skype – prbs_accounting@yahoo.com
Website – https://prbs.pnp.gov.ph